Palasyo, nilinaw na wala pang pinal na desisyon ukol sa pagpapalawig ng ECQ

Iginiit ng Palasyo ng Malacañang na wala pang nagiging pinal na desisyon ang gobyerno ukol sa pagpapalawig ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sa Lunes pa pagdedesisyunan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang naging rekomendasyon ng Metro Manila Council kung palalawigin pa ito ng 15 araw.

Kasunod nito, sakaling matapos aniya ang ECQ sa May 15, 2020 ay may posibilidad na hindi pa maisama ang lahat ng lugar sa Metro Manila sa isasailalim sa General Community Quarantine (GCQ).


Una nang nagkasundo ang Metro Manila Council sa tatlong posibilidad kung saan isa rito ang palawigin pa ng 15 araw ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila upang maiwasan na dumami pa ang kaso ng COVID-19.

Facebook Comments