
Nananawagan ang Malacañang sa publiko na hayaan muna ang Department of Justice (DOJ) na gawin ang kanilang trabaho kaugnay sa kaso ng mga nawawalang sabungero.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hindi muna sila makapagbibigay ng detalye sa panig ng Palasyo tungkol sa estado ngayon ng kaso.
Partikular ang impormasyon patungkol sa ilang pulis at umano’y ilang politiko na sangkot sa insidente.
Ipinauubaya na aniya nila ito sa DOJ dahil kasalukuyan na itong iniimbestigahan para makabuo ng mabigat na kaso laban sa mga itinuturong nasa likod ng krimen.
Facebook Comments









