Hindi muna magkokomento ang Malacañang sa desisyon ng Korte Suprema kaugnay sa Anti-Terrorism Act of 2020.
Sa nasabing desisyon ng Korte Suprema, idineklara ang dalawang probisyon ng Anti-Terror Law bilang “unconstitutional”.
Ito ay ang bahagi ng Section 4 kung saan nakasaad kung ano ang depinisyon ng terorismo na lumabag sa civil liberties.
Habang sa Section 25 naman, sinasabi ang pag-adopt sa request ng ibang bansa sa pagtukoy ng mga indibidwal at organisasyon bilang terorista.
Ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, hindi pa nila natatanggap sa ngayon ang kopya ng Supreme Court decision at pag-aaralan pa aniya nila ito.
Samantala, pinuri naman ng Office of the Solicitor General (OSG) ang ginawang pagpapatibay ng Korte Suprema sa nasabing batas.
Ayon sa OSG, malaking tulong ito para sa pagtatanggol sa mga Pilipino laban sa banta ng terorismo.