Palasyo, ‘no comment’ sa huling habilin ni FPRRD

Dumistansya ang Palasyo sa umano’y huling habilin si dating Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice President Sara Duterte.

Bilin kasi ng dating pangulo kay VP Sara na huwag na siyang iuwi na lang sa Pilipinas at i-cremate na lang siya sa lugar kung saan siya mamamatay.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, no comment dito ang Palasyo dahil ang usaping ito ay family matters.

Desisyon aniya ng pamilya Duterte kung ano ang kanilang gagawin.

Nauna nang sinabi ni Elizabeth Zimmerman, dating misis ni Duterte, na bagama’t maayos naman ang kalusugan ay malaki ang ibinagsak ng katawan ng dating presidente at halos buto’t balat na lamang ito.

Facebook Comments