Palasyo, no comment sa plano ni VP Sara 2028 presidential elections

Wala pang komento ang Palasyo sa ulat na ikinokonsidera na ni Vice President Sara Duterte ang pagtakbo sa 2028 presidential elections.

Sa gitna ito ng patuloy na hidwaan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., at ng mga Duterte na dating magkaalyado.

Ayon sa ulat, sinabi ito ni Duterte sa isang meet-and-greet event kasama ang overseas Filipino workers sa Tokyo, Japan nitong weekend.


Kanina, sinabi naman ng Malacañang na hindi nabago ang posisyon ng pangulo sa impeachment na niluluto laban kay VP Sara matapos ang nationwide rally for peace ng Iglesia ni Cristo (INC).

Una na ring nanindigan si PBBM na aksaya lamang sa oras ang impeachment at hindi naman nito mababago ang buhay ng mga Pilipino.

Sina Pangulong Marcos Jr., at VP Sara ay naging running mate sa 2022 presidential elections pero hindi tumagal ang kanilang alyansa.

Facebook Comments