Sumangayon si Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa panawagan ni Cagayan de Oro 2nd District Representative Rufus Rodriguez na magbitiw nalang sa pwesto si PMA Superintendent Ronnie Evangelista.
Ito ay kasunod ng pagkamatay ng kadeteng si Darwin Dormitorio dahil sa hazing.
Sabi ni Panelo, kung hindi kayang hawakan ni Evangelista ang kanyang pwesto, dapat ay umalis nalang siya.
Sa paningin din ni Panelo, weak o mahina ang istilo ng pamumuno ni Evangelista sa PMA.
Naniniwala rin ang Palasyo na dapat may managot mula sa mga superiors sa PMA, mula sa pinakamataas hanggang pinakamababang pusisyon na nalusutan ng illegal na aktibidad gaya ng hazing.
Facebook Comments