
Sinang-ayunan ng Palasyo ang paghimok ni Vice President Sara Duterte kay Michael Maurillo o alyas Rene na maghain ng kaso pagkatapos bawiin ang kanyang testimonya laban sa mga Duterte at kay Apollo Quiboloy.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, mas mainam aniya kung magsasampa ito ng kaso para magkaroon ng paglilitis at cross examination.
Dito anya malalaman kung nagsasabi ng totoo o hindi si Maurillo tungkol sa diumano’y fake witnesses.
Bago ang kanyang recantation, isinawalat ng testigo sa pagdinig ng Senado na nakita niya ang mga Duterte na may dalang mga armas mula sa ari-arian ni Quiboloy.
Facebook Comments









