
Nilinaw ng Malacañang kung bakit wala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa official photo ng ASEAN-Japan Summit na ginanap kahapon sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Sa pulong balitaan sa Kuala Lumpur, Malaysia, sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro, na habang nagpu-photo op ay abala pa noon si Pangulong Marcos sa isang extended bilateral meeting kasama ang mga opisyal ng United Nations (UN).
Pero nakahabol naman agad ang pangulo sa pagpapatuloy ng ASEAN-Japan meeting matapos ang naturang pulong.
Umani ng atensyon online ang ASEAN handshake ng mga ASEAN leaders kasama ang kauna-unahang babaeng Prime Minister ng Japan na si Sanae Takaichi, kung saan wala si PBBM.
Sa naturang pulong, kinilala ng mga lider ng ASEAN ang matibay na ugnayan at kooperasyon ng rehiyon at Japan, at muling nangakong palalakasin pa ito sa ilalim ng bagong pamumuno ni Prime Minister Takaichi.









