Inihayag ng Malacañang na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang magiging unang presidente ng Pilipinas na magbibigay ng mensahe sa Australian Parliament.
Sa harap ito ng nakatakdang pagbisita ni Pangulong Marcos Jr., sa Canberra sa Pebrero 28 hanggang 29 para talakayin ang Strategic Partnership na nilagdaan ng Pilipinas at Australia noong nakaraang taon.
Si Pangulong Marcos Jr., ay inimbitahan para maging panauhin ng Gobyerno ng Australia.
Ayon sa Malacañang, makakabilang si PBBM sa 16 world leaders na nagbigay ng talumpati sa Australian Parliament.
Samantala, nakatakda ring makipagpulong si Pangulong Marcos Jr., sa mga senior official ng Australia para talakayin ang seguridad, kalakalan, pamumuhunan, multilateral cooperation at mga isyung pang-rehiyon.
Sasaksihan din ng pangulo ang paglagda sa mga bagong kasunduan.
Nasa mahigit 400,000 ang mga Pilipino kabilang ang mga Australian na may lahing Pinoy sa nasabing bansa.