Palasyo, pinababawi sa DOJ ang P60-M advertisement money mula sa Bitag Media

Manila, Philippines – Ipinauubaya na ng Malacañang sa Department of Justice (DOJ) ang pagpapatupad ng legal na hakbang para mabawi ang 60 milyong pisong TV advertisement ng Department of Tourism (DOT) sa PTV 4 noong nakaraang taon.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, bahala na ang DOJ kung anong gagawin sa kasong ito.

Una nang ipinag-utos ng Commission on Audit (COA) sa magkapatid na sina Erwin at Ben Tulfo na nasa ilalim ng Bitag Media na isoli ang milyong milyong pisong ibinayad sa kanila para sa tourism ad.


Giit ni Panelo, posisyon ng Malacañang na ipatupad at sundin ang batas.

Wala aniyang matatawag na secret cow sa gobyernong ito  kaalyado, kabigan man ng Pangulo.

Facebook Comments