
Bawal sa mga opisyal ng gobyerno ang mag-sugal.
Ito ang matinding paalala ang Malacañang sa lahat ng opisyal ng pamahalaan, kasunod ng pag-amin ni dating Bulacan Department of Public Works and Highways (DPWH) District Engineer Henry Alcantara na gumagamit siya ng pekeng pangalan at ID para makapasok sa casino.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, alam naman ito ng lahat ng opisyal ng gobyerno kaya dapat silang magtino at magpakita ng tamang asal.
Posible aniyang kaharapin ni Alcantara ang kasong administratibo o kriminal sa ilalim ng RA 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials.
Samantala, pinauubaya na ng Palasyo kay DPWH Secretary Vince Dizon ang magiging aksyon laban kay Alcantara, pero malinaw ang babala ni Castro na pananagutin ang mga opisyal na sumusuway sa batas.









