Palasyo, pinagsabihan ang OCTA Research Group sa pagrerekomenda ng quarantine classifications

Pinayuhan ng Malacañang ang isang local research group na iwasan ang pagrerekomenda nito sa ilang lugar na ilagay sa mahigpit na lockdown para maiwasan ang kalituhan mula sa publiko.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, maaaring pribadong ipaabot ng OCTA Research group ang kanilang mga suhestyon hinggil sa classification level ng isang lugar sa Inter-Agency Task Force (IATF).

Ang IATF sa pamumuno ni Health Secretary Francisco Duque III ang nagre-review ng quarantine level ng isang lugar at nagrerekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang pinal na desisyon.


“Well, I really appreciate the efforts po of OCTA Research Team in helping us monitor COVID cases. Pero ni-request ko na po sa kanila na to desist from making recommendations on classification kasi talaga pong trabaho naman po iyan ng mga eksperto,” sabi ni Roque.

Punto pa ni Roque, na ang research group ay kakaunti lamang ang mga eksperto kumpara sa mga nakikipagtulungan sa IATF.

“I understand, although they have one or two epidemiologists ‘no, it’s still not the same number of experts working with the IATF ‘no, hindi lang po sa DOH (Department of Health),” ani Roque.

“I wish they would refrain from making these recommendations publicly. They can probably endorse or course their recommendations privately to the IATF nang hindi naman po napapangunahan highlighting the fact that classifications are normally announced no less than the President himself,” dagdag pa ni Roque.

Ang mga lokal na pamahalaan aniya ay may kapangyarihan na magpatupad ng sarili ntiong lockdown sa koordinasyon ng regional IATF.

Nabatid na nanawagan ang OCTA research team sa pamahalaan na magpatupad ng mahigpit na lockdown measures sa Bauan, Batangas, Calbayog, Western Samar at General Trias, Cavite dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 nitong nakalipas na dalawang linggo.

Facebook Comments