Siniguro ni Presidential Spokesperson Atty Harry Roque na gumugulong na ang imbestigasyon hinggil sa ulat na isang ginang ang nasawi bunsod ng komplikasyon sa panganganak matapos umano itong tanggihan ng 6 na ospital.
Ayon kay Roque mayruon tayong Republic Act 10932 o Anti-Hospital Deposit Law na nagpapataw ng parusa sa lahat ng mga hospital na hindi tatanggap ng pasyente dahil hindi nakapagbigay ng deposito ang pasyente.
Sinabi ni Roque na tiniyak sa kanya ni Justice Secretary Menardo Guevarra na iniimbestigahan na nila ang insidente.
Babala nito, sinumang mapapatunayang lumabag sa batas ikukulong ang may ari ng ospital maging ang mga doktor na tumanggi sa kanilang pasyente.
Facebook Comments