Palasyo pinakikilos ang Kongreso sa pagsasabatas ng panukalang gawing mandatory ang pagbabakuna

Kasunod nang pag-apruba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbabakuna sa general population simula sa susunod na buwan.

Pinakikilos na ng Palasyo ang Kongreso na magpasa ng panukalang batas na gawing mandatory ang pagbabakuna.

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque para maisakatuparan ito ay kinakailangan muna ng isang batas.


Paliwanag ng kalihim, sisimulan ng pangulo ang pagmamandato sa pagbabakuna sa mga government workers & officials na kapag ayaw ng mga ito na mabakunahan ay hindi sila dapat na magtrabaho sa gobyerno.

Giit pa nito, may kapangyarihan ang estado na gumamit ng police power para itaguyod ang ikabubuti ng mas nakakakarami.

Samantala, nilinaw pa ni Roque na maaaring sertipikahang urgent ni Pangulong Duterte ang isang panukalang batas na nagre-require na gawing mandatory na ang pagbabakuna.

Naniniwala kasi ang pamahalaan na ang bakuna ang susi upang makabalik ng unti-unti sa normal ang ating pamumuhay sa kabila ng banta ng COVID-19.

Facebook Comments