“Mind your own business”.
Ito ang matapang na tugon ng Palasyo ng Malacañang kaugnay ng panawagan ng limang senador sa Estados Unidos na ibasura ang mga kaso laban kina Senadora Leila De Lima at Rappler CEO Maria Ressa.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, malinaw na nais ng mga senador na ito na manghimasok sa pamamalakad ng bansa.
Kaugnay nito, nilinaw naman ni Panelo na ang pagkakakulong ni De Lima ay may kaugnayan sa pagkakasangkot nito sa operasyon ng iligal na droga habang kaugnay naman nang paglabag sa tax evasion law ang mga kasong kinakaharap ni Ressa.
Samantala, muli rin namang pinabulaanan ni Panelo ang alegasyon ng walang habas na pagpatay sa ilalim ng kampanya kontra iligal na droga ng pamahalaan.
Facebook Comments