Palasyo, pinamamadali na sa PhilHealth ang pagbabayad ng utang sa mga ospital

Pinababayaran na ng Palasyo sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang mga utang ng ahensiya sa mga ospital.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque kung saan kahit paulit-ulit naman aniya sinasabihan si PhilHealth President Atty. Dante Gierran ay tila hindi umano ito nakikinig.

Ayon kay Roque, maraming beses nang nagkakaroon ng pulong sina Gierran at Executive Secretary Salvador Medialdea upang kulitin ang PhilHealth na magbayad na ng mga utang.


Paliwanag ni Roque, hindi kakayanin ng mga ospital na magpatuloy kung wala na silang pondo dahil hindi pa binabayaran ng PhilHealth.

Facebook Comments