Palasyo, pinamamadali sa FDA ang evaluation ng saliva-based tests

Hinimok ng Malacañang ang Food and Drug Administration (FDA) na pabilisin ang evaluation nito sa posibleng paggamit ng rapid saliva-based COVID-19 testing sa bansa.

Nabatid na ang bagong diagnostic test para sa COVID-19 ay mas mura kumpara sa mga ibang test kits at kayang maglabas ng mabilis na resulta.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, umaasa silang magkakaroon na nito sa bansa.


Para kay Roque, ang bagong saliva-based testing method ang posibleng solusyon sa utang ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa Philippine Red Cross (PRC).

Bago ito, iniulat ng Philippine Red Cross (PRC) na ang saliva-based COVID test ay mayroong 99% detection rate sa Estados Unidos.

Facebook Comments