Palasyo, pinatitiyak sa mga ahensya ng pamahalaan na nasusunod ang required on site workforce

Pinatitiyak ng Malakanyang sa mga tanggapan ng pamahalaan na masusunod ang required on-site workforce alinsunod sa Alert Level na umiiral sa mga lugar na nakakasakop dito.

Sa ilalim ng Memorandum Circular No. 96, nakasaad na para sa mga Alert Level 1 areas, dapat ay nasa 100% na ang on-site workforce ng mga opisina ng pamahalaan.

At least 80% naman kung Alert Level 2.


Hindi dapat baba sa 60% kung Alert Level 3, habang at least 40% kung Alert Level 4.

Kung nasa ilalim naman ng Alert Level 5 ang isang lugar, kailangang magpatupad ng skeleton workforce on-site at alternative work arrangement ang mga ito na aprubado dapat ng head agency maliban na lamang kung mas malaking on-site capacity ang required, tulad sa hanay ng health at emergency services, laboratories, testing services, border control, at iba pang kritikal na serbisyo.

Nakasaad sa kautusan na para sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 2 hanggang 5, ang mga pinuno ng tanggapan sa ilalim ng executive branch ay maaaring itaas ang on-site workforce capacity.

Ang mga department secretaries ay maaaring ding imandato ang mas malaking kapasidad ng mga pisikal na maguulat sa trabaho.

Maaari ring i-require ng mga head agencies ang mga opisyal o kanilang kawani na nagpositibo sa COVID-19, o maituturing na close contact, na sumailalim sa work fom home arrangement, habang hinihintay ang swab test result ng mga ito.

Pirmado ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang kautusan ika-28 ng Pebrero, 2022.

Facebook Comments