Palasyo, pinatututukan sa mga local leader ang vaccine hesistancy sa Muslim community sa bansa

Malaki ang role ng mga lokal na pamahalaan o local leaders upang makumbinse ang kanilang mga nasasakupan upang magpabakuna na.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, nasa kamay ng mga ito kung papaano nila maipapaunawa sa mga residente ang kahalagahan at benepisyo ng mga bakuna.

Sa Talk to the People kasi ni Pangulong Rodrigo Duterte sinabi nitong mayruong muslim community partikular na sa Mindanao ang ayaw pa rin magpabakuna dahil sa kanilang paniniwala at kultura.


Samantala, sinabi naman ni National Task Force Against COVID-19 Special Adviser Dr. Ted Herbosa na karamihan ng mga bakunang ginagamit ngayon sa Mindanao ay single shot vaccine o yung Janssen ng Johnsons&Johnson.

Aniya, malalayo o liblib ang mga lugar doon at hindi rin ganon kadami ang mga vaccination site.

Importante rin aniya na Halal certified ang mga bakunang gagamitin para sa mga kapatid nating Muslim.

Facebook Comments