Palasyo, pinawi ang pangamba ng publiko matapos na itigil ng PRC ang pagsasagawa ng swab test

Pinayapa ng Palasyo ang pag-aalala ng publiko nang biglang itigil ng Philippine Red Cross (PRC) ang pagbibigay ng COVID 19 swab test na sponsored ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Nabatid na umabot na kasi sa ₱930-M ang bayarin sa kanila ng PhilHealth.

Ayon kay Pesidential Spokesman Secretary Harry Roque, walang dapat ikabahala ang publiko dahil marami na rin naman ngayong mga pampubliko at pribadong laboratoryo na pwedeng magsagawa ng swab test.


Pero magkagayunman, aminado ang kalihim na malaking kawalan ang PRC dahil 1/4 ng nagawang mga test ay mula rito.

Ang PRC ang nagsasagawa ng swab test lalo na sa mga dumarating na displaced Overseas Filipino Workers (OFWs) sa mga airport at pantalan.

Facebook Comments