Palasyo, pinayuhan ang FSPs na mag-isyu ng resibo sa pamamahagi ng SAP aid

Nagpaalala ang Malacañang sa Financial Service Providers (FSPs) na mag-isyu ng kaukulang resibo para sa withdrawal fee na sinisingil sa mga benepisyaryo ng emergency cash aid sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).

Nabatid na katuwang ng gobyerno ang FSPs tulad ng GCash, Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC), Robinsons Bank, PayMaya, Starpay at Unionbank sa pagpapatupad ng payouts ng cash aid sa milyun-milyong benepisyaryo.

Pinahintulutan ng pamahalaan na humingi ang mga FSP ng cash-out fee na hanggang P50.


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang pag-iisyu ng receipts ay makatutulong para mabantayan ng pamahalaan ang tax payments ng mga kumpanyang kalahok sa digital payout ng second tranche ng SAP.

Nasa 14.1 million ang benepisyaryo ng SAP 2 kung saan sakop ang Central Luzon maliban sa Aurora Province, Metro Manila, CALABARZON, Benguet, Pangasinan, Iloilo, Cebu Province, Bacolod City, Davao City, Albay Province at Zamboanga City.

Facebook Comments