Palasyo, pinayuhan ang mga jogger na magsuot ng face mask na may manipis na tela

Pinayuhan ng Malacañang ang mga jogger na magsuot ng face mask na gawa sa manipis na tela.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mahalagang magsuot ang mga ito ng face mask na yari sa breathable fabric.

Bukod dito, bahagi pa rin ng precautionary measure para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 ang pagsuot ng face mask sa labas ng bahay.


Ito ang pahayag ng Palasyo kasunod ng babala ng World Health Organization (WHO) na hindi dapat nagsusuot ng face mask habang nag-eehersisyo dahil magdudulot lamang ito ng hirap sa paghinga.

Facebook Comments