Pinayuhan ng Malacañang ang mga magulang na maghanap na lamang ng mga lugar na nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ).
Ito ang pahayag ng Palasyo matapos magpasya ang Metro Manila Council na ipagbawal pa rin ang mga menor de edad na pumasok sa shopping malls.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang desisyon ay nasa kamay ng mga local government units (LGUs).
Sinabi ni Roque, ang mga pamilya ay maaaring bumisita sa MGCQ areas sa halip na sumunod sa requirements na itinakda ng LGUs.
Dagdag pa ni Roque, ang pagbisita sa MGCQ areas ay makakatulong sa ekonomiya.
Ang Inter-Agency Task Force (IATF) ay binigyan ng awtoridad ang mga LGU na magdesisyon hinggil sa edad ng mga taong pwedeng lumabas ng kanilang mga bahay.
Facebook Comments