Palasyo, pinayuhan ang mga Metro Manila mayors na hayaan ang Kongreso na gawin ang trabaho nito

Nakiusap ang Malacañang sa mga alkalde ng National Capital Region (NCR) na hayaan ang Kongreso na gawin ang trabaho nito na alamin kung may kailangang amiyendahan sa ilang probinsyon ng Konstitusyon.

Ito ang pahayag ng Palasyo matapos sabihin ng ilang alkalde sa Metro Manila na hindi ito ang tamang panahon para pag-usapan ang Charter Change lalo na at gumagapang pa ang bansa mula sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, tinatanggap nila ang opinyon ng mga alkalde pero ang desisyon ay nasa kamay ng Kongreso.


“Wala pong pwedeng manghimasok sa kapangyarihan ng Kongreso sa pagpo-propose ng amendments to the Constitution. Trabaho po nila ‘yan,” sabi ni Roque.

Noong nakaraang buwan, inatasan ni House Speaker Lord Allan Velasco ang House Committee on Constitutional Amendments na talakayin ang panukalang pag-amiyenda sa economic provisions ng Konstitusyon.

Sina Senators Francis Tolentino at Ronald Dela Rosa ay isinusulong naman na baguhin ang probisyon para sa democratic representation at economic provisions ng Konstitusyon.

Facebook Comments