Palasyo, pinayuhan ang mga senador na gawin lamang ang trabaho kaugnay sa nagpapatuloy na sesyon sa impeachment ni VP Sara

Iginagalang ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang naging pasya ng Korte Suprema na i-dismiss ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Kasunod ito ng nagpapatuloy na debate sa Senado bago bumoto sa impeachment case ni VP Sara.

Sa press briefing dito sa New Delhi, iginiit ni Palace Press Officer Claire Castro, kinikilala nila ang desisyon ng Korte Suprema dahil ito ang final arbiter.

Mensahe naman ng Palasyo para sa mga senador na gawin lang nila ang kanilang trabaho at sumunod sa batas at proseso.

Hindi rin aniya makikialam si Pangulong Marcos sa Senado at nasa kamay nila ang kapalaran ng impeachment trial.

Facebook Comments