Hindi na dapat pang nakikialam si Vice President Leni Robredo sa mga bagay na wala naman itong alam.
Ito ang tugon ng Malakanyang, sa pahayag ni VP Leni na mas makabubuti kung daanin na lamang sa kalmadong paraan ang pagtugon sa problema ng pamahalan sa dalawang water concessionaires.
Sa press briefing sa malakanyang, sinabi ni Presidential Spokesman Atty Salvador Panelo na may posisyon na sa usaping ito si Pangulong Rodrigo Duterte.
Payo pa ni Panelo kay VP Leni, wag na itong magtangka pang pasukin ang isyu na hindi naman nito alam.
Una nang nakarating kay Pang. Rodrigo Duterte ang mga sulat ng maynilad at manila water na nakasaad na tinatanggap na nila ang gusto ng pangulo na pag-aralang muli ang kanilang concession agreement para sa posibleng pagbabago sa mga sinasabing onerous o tagilid na mga probisyon.