Palasyo, pinayuhan si VP Robredo na ihinto ang pamumulitika para gumanda ang ratings nito

Pinayuhan ng Malacañang si Vice President Leni Robredo na ihinto na ang pamumulitika sa gitna ng COVID-19 pandemic upang umani ito ng mataas na approval at trust rating mula sa publiko sa susunod na survey period.

Ito ang pahayag ng Malacañang matapos lumabas sa survey ng Pulse Asia na nakakuha lamang si Robredo ng approval rating na 57% habang 50% na trust rating kumpara kay Pangulong Rodrigo Duterte na nasa 91%.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, lumalabas lamang sa survey na ayaw ng mga Pilipino ang pumumulitika ni Robredo sa panahon ng pandemya.


Binigyang-diin ni Secretary Roque na panahon ito para magkaisa at magtulungan.

Una nang nagpasalamat ang Palasyo sa mataas na nakuhang ratings ni Pangulong Duterte.

Pagtitiyak nila na committed si Pangulong Duterte na ibangon ang bansa mula sa pandemya.

Facebook Comments