Palasyo, pinuri ang pagkapanalo ni Pacman

Pinuri ng Malacañang si Senator Manny Pacquiao matapos niyang talunin si Adrien “The Problem” Broner at maidepensa ang titulong Welterweight Champion.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, kaisa ang Palasyo sa pagbubunyi ng taumbayan sa pagkapanalo ni Pacquaio.

Nagpasalamat rin aniya ang Malacañang kay Pacquaio dahil muli nitong pinagkaisa ang sambayanang Pilipino.


Facebook Comments