Palasyo, pinuri ang proposal para sa elevated highway sa EDSA

Manila, Philippines – Pinuri ng Palasyo ang proposal ng San Miguel Corporation na magtayo ng elevated expressway sa EDSA para solusyunan ang matinding problema ng trapiko.

Isang proyekto ito na may 10-lanes na magdudugtong sa Caloocan, Quezon City, San Juan, Mandaluyong, Makati at Pasay.

Sabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, nakausap niya ng personal si San Miguel Corporation President Ramon Ang at humanga siya sa plano.


Proposal pa lang aniya ito pero nag-uusap na aniya sina Ang at si Transportation Secretary Arthur Tugade.

Sabi ni Secretary Panelo, maisakatuparan lang ang proyekto at hindi na kailangan ng bansa ng transportation project katuwang ang bansang France.

Matatandaang kasama ang bus rapid transit project ng France sa mga maaaptektuhan ng utos ni Pangulong Duterte na suspindihin ang negosasyon sa ano mang grants o loans sa mga bansang sumuporta sa resolusyon ng Iceland.

Facebook Comments