Palasyo, pumalag sa mga kumokondena sa pag-aresto sa Rappler CEO

Manila, Philippines – Pumalag ang Malacañang sa mga batikos na kanilang natatanggap matapos maaresto si Rappler CEO at Executive Editor Maria Ressa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kung tutuusin mistulang nag-enjoy naman si Ressa sa atensyong nakukuha niya kaugnay ng sitwasyon.

Aniya, kung makikita ang mga video footage todo ngiti pa nga si Ressa.


Sabi pa ni Panelo, hindi naman talaga nakulong si Ressa dahil nanatili ito sa isang kwarto sa NBI.

Pinalalaki lang aniya ni Ressa ang usapin para makuha ang simpatya ng publiko.

Giit pa ni Panelo, maituturing pa ngang buds in honor para sa isang mamamahayag kapag nakasuhan ito ng libel dahil nangangahulugang magaling ito at lalo rin siyang hahangaan kapag naipanalo nito ang kaso.

Facebook Comments