Palasyo pumalag sa mungkahing buwagin na ang IATF

Dinepensahan ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) matapos umapela si Sen. Joel Villanueva na buwagin na ito dahil hindi naman umano epektibo.

Ayon kay Roque, kung hindi dahil sa IATF walang direksyon ang COVID-19 response ng pamahalaan.

Ani Roque, kung walang IATF walang naging desisyon ang gobyerno sa pagbili ng mga bakuna, hindi nagkaroon ng mga Alert Level System, gayundin ng mga quarantine classifications.


Paliwanag pa nito, tila mahirap gawin ang lahat ng stratehiya ng pamahalaan kung walang tagakumpas.

Ang IATF kasi aniya ang nagsisilbing taga kumpas habang ang mga lokal na pamahalaan naman ang nagpapatupad nito sa grounds.

Facebook Comments