
Sang-ayon ang Palasyo sa pahayag ni Vice President Sara Duterte na dapat manalamin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa tuwing sinasabi nito na tigilan na ang pamumulitika.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, tama lamang na manalamin ang isang public official para masuri ang sarili kung siya ba ay nagtatrabaho, namumulitika o nagbabakasyon lang.
Tulad aniya ni Pangulong Marcos na puro trabaho ang inaatupag at alam ang kaniyang direksyon.
Dito aniya makikita kung sino ang nagtatrabaho o nagbabakasyon lamang at hindi nag-aaksaya ng panahon para paglingkuran ang publiko.
Sa huli, kwinestiyon naman ni Castro si VP Sara kung hanggang kailan siya mananatili sa The Hague dahil ang pangulo aniya ay umaaksyon, at hindi nagbabakasyon.
Facebook Comments









