Palasyo, sinabing ang PSG na ang bahala kung lilimitahan nila ang mga aktibidad ni Pang. Duterte

Nasa Presidential Security Group (PSG) na ang desisyon kung lilimitahan nila o hindi ang mga aktibidad ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pahayag ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa gitna na rin ng pagtaas ng mga naitatalang COVID-19 cases sa bansa at sa presensya na rin ng dalawang bagong variants ng virus.

Kung matatandaan, sunod-sunod ang mga naging aktibidad ng Pangulo kasama ang iba’t ibang opisyal ng pamahalaan, mula sa pagsalubong ng mga dumarating na COVID-19 vaccines sa bansa, hanggang sa pagpapasinaya ng mga bagong gusali ng paaralan.


Ayon sa kalihim, hindi pa niya tiyak kung malilimitahan ang mga events ng Pangulo dahil sa tumaas na COVID-19 cases pero kanya nang ipinauubaya sa PSG ang nasabing usapin.

Facebook Comments