Palasyo, sinabing hindi maaaring magkanya-kanya ang publiko sa pagbili ng bakunang nais nila na pangontra sa COVID-19

Kasunod nang naging pahayag ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na hindi maaaring maging ‘choosy’ ang mga Filipino sa bakunang ituturok sa kanila ng gobyerno na panlaban sa COVID-19. Sinusugan ni Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles ang naturang pahayag at sinabing hindi maaaring magkanya-kanya ang publiko sa pagbili ng mga bakuna.

Paliwanag ni Nograles, ang mga bakuna kontra COVID-19 ay hindi magiging available sa ngayon for commercial purposes.

Aniya, ang mga vaccine manufacturers ay “for Emergency Use Authorization” lamang ang inaplayan na nangangahulugang ang national government lamang ang maaaring makipag-negosasyon at bumili sa vaccine developers.


Pangunahing dahilan aniya rito ay ang nature ng virus kung saan lahat ng mga bansa ay nangangailangan ng gamot at dahil na rin sa limitadong supply nito.

Ang mga pribadong sektor maging ang mga Local Government Unit (LGU) ay lumagda sa tripartite agreement kung saan ang national government pa rin ang siyang bibili sa mga vaccine manufacturer.

Facebook Comments