Ikokonsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte ang public opinion hinggil sa inaasahang pagsabak nito sa nalalapit na eleksyon 2022.
Tugon ito ng Palasyo sa inilabas na survey ng Social Weather Stations (SWS) kung saan 60% ng mga Filipino ang nagsasabing malalabag ng pangulo ang 1987 Constitution kung tatakbo ito bilang bise presidente.
Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque nakikinig ang pangulo sa opinyon ng publiko pero, mainam na hintayin na lamang ang pinal nitong desisyon.
Paliwanag pa ng kalihim, abugado si Pangulong Duterte kung kaya’t alam nito ang batas at wala aniyang nakasaad sa Konstitusyon na labag tumakbo bilang bise presidente ang presidente ng bansa makaraan ang kanyang termino.
Nakatakdang mag-umpisa ang paghahain ng certificate of candidacy sa Oktubre a-uno na magtatapos sa a-8 ng Oktubre.