Sinang-ayunan ng Malacañang ang pahayag ng mga government officials na maaari pa ring umatras ang Pilipinas sa kasunduan na pagbili ng 25 million doses ng COVID-19 vaccines mula sa Chinese Pharmaceutical Firm na Sinovac.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, tama naman ang sinabi nina Vaccine Czar Carlito Galvez at Testing Czar Vince Dizon dahil hindi pa naman pinal ang pagbili natin ng bakuna mula sa China.
wala pa rin aniyang ibinabayad ang Pilipinas sa Sinovac kung kaya’t pwede pa tayong umatras sa kasunduan.
Matatandaang pinuna ng ilang senador ang umano’y pagpipilit ng pamahalaan na bilhin ang Sinovac vaccine kahit na mas mababa ang efficacy rate nito kumpara sa ibang COVID-19 vaccines.
Samantala, hanggang sa ngayon ay ang Covid-19 vaccine ng Pfizer-BioNtech pa lamang ang binigyan ng Emergency Use Authorization ng Food and Drug Administration.