Tiniyak ng Malacanang na isasapubliko nila ang estado ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng naka-schedule nitong COVID-19 test ngayong araw, March 12.
Ito ang tiniyak ni Chief Legal Counsel at Spokesman Salvador Panelo
Sa panayam kay Panelo, sinabi nitong nasa maayos at mabuti ang kalagayan ng Chief Executive na tutungo ngayon ng Davao.
Giit pa ni Panelo na walang ubo, walang sipon at walang lagnat ang Pangulo at gagawin ng Presidente ang COVID-19 test para ipakita sa mamamayan na siya mismo ay sumusunod sa mga health protocols na dapat ang nangunguna ay ang mga opisyales ng pamahalaan.
Una nang kinumpirma ni Senator Bong Go na sumasailalim na sa self-quarantine ang ilang cabinet members na nagkaroon ng exposure sa kumpirmadong kaso ng COVID-19 kung saan nakasalamuha naman nila ang Pangulo sa nakalipas nilang pagpupulong.