Palasyo sinigurong tutulong sa Taal victims kung di pa sapat ang ayuda ng lokal na pamahalaan

Tiniyak ng Palasyo na nakahanda ang pamahalaan na umagapay sa mga residenteng inilikas sa Taal Volcano Island.

Sa press briefing sa Malakanyang sinabi ni President Spokesperson Salvador Panelo na saka sakaling magkulang pa ang tulong mula sa  lokal na pamahalaan ay duon papasok ang Palasyo.

Sa ngayon ayon kay Panelo ay may alok si Batangas Vice Governor Mark Leviste na 2 pasilidad sa bayan ng Ibaan para duon ilipat ang mga residente ng Taal Volcano Island na deklarado bilang no man’s land.


Paliwanag pa ni Panelo na kung kailangan ng transportasyon para sa paglilipat ng mga bakwit ay handang umayuda ang militar .

Sinabi pa nito na prayoridad ng gobyerno ang kaligtasan ng ating mga kababayan.

Facebook Comments