Palasyo, sinisiguro na walang kakulangan ng suplay sa mga gamot kontra COVID-19

Tiniyak ng Malacañang na may magagamit pa ring gamot para sa mga malubhang tinamaan ng COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, mayroon nang nahanap na alternatibo sa Tocilizumab at ito ay ang Baricitinib.

Dagdag ni Roque na bukod sa Baricitinib ay na naririyan din ang Remdesivir at wala ito aniyang kakulangan ng suplay.


Kung nagkukulang man aniya ng Tocilizumab sa ngayon ay bibili ang pamahalaan nito.

Ang problema lamang sa ngayon ay kakulangan ng suplay hindi lamang sa Pilipinas kung hindi maging sa ibang bansa.

Panawagan naman ng Palasyo na wag samantalahin ang pandemya upang manglamang ng kapwa.

Ito’y ay dahil sa mga mga ulat na tinataga ang presyo ng Tocilizumab kung saan umaabot sa P100,000 ang ang bentahan nito sa merkado.

Facebook Comments