Manila, Philippines – Sinaluduhan ng Palasyo ng Malacañang ang mga sudalo na nakipagbakbakan lalo na ang mga nagbuwis ng kanilang buhay mapalaya lang ang Marawi City mula sa mga Teroristang Grupong Maute-ISIS.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, hindi mapapantayan ang tapang, katatagan at sakripisyong ipinamalas ng mga Sundalo sa paglaban sa terorismo.
Sinabi ni Abella na ngayong natapos na ang bakbakan sa marawi City kung saan napatay ang mga lider ang teroristang grupo na sina Isnilon Hapilon, Omar Maute at mga kapatid nito at si Dr. Mahmud Ahmad ay ililipat na ng pamahalaan ang pansin sa rehabilitasyon ng lungsod.
Nanawagan naman ang Malacañang sa publiko na magkaisa para sa kapayapaan at isang tahimik at ligtaas na hinaharap.
Facebook Comments