Palasyo, suportado ang Mesenchymal Stem Cell Therapy ng Medical City sa COVID-19 patients

Suportado ng Palasyo ang ginagawang Mesenchymal Stem Cell Therapy program ng The Medical City para sa mga pasyente nitong may COVID-19 pneumonia.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, buo ang suporta ng Duterte Administration sa anumang pag-aaral o pamamaraan na makatutulong na maibsan ang pagdurusa ng isang COVID-19 patient.

Umaasa ang Palasyo na ang Mesenchymal Stem Cell Therapy ay magkakaroon ng magandang resulta.


Kasunod nito, muling iginiit ng Malakanyang na ang pokus ngayon ng administrasyon ay ang patuloy na laban kontra COVID-19.

Kaya umaapela ang Palasyo sa publiko ng kooperasyon nang sa ganun ay sama-sama nating mapagtagumpayan ang COVID-19.

Facebook Comments