Buong tinatanggap ng Malacañang ang rekomendasyon ng Toll Regulatory Board (TRB) para maibsan ang matinding trapikong idinudulot ng cashless transactions sa tollways.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, handa nilang i-adopt ang mga rekomendasyon ng TRB.
Nabatid na ipinag-utos ng TRB sa mga toll operators na ipatupad ang mga sumusunod na hakbang:
– Agad na pagpapalit ng mga depektibong RFID tags o stickers.
– Relocation ng RFID installation sites at reloading lanes.
– Maintenance, improvement, pag-upgrade ng systems software
– Traffic management
– Pagpapahusay ng customer service
Kaugnay nito, nauunawaan ni Roque ang pasya ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian na suspendihin ang business permit ng NLEX Corporation sa lungsod.
Pero sinabi ng Palasyo na kailangang magkaroon ng balance dahil maaaring umatras ang mga ito na mamuhunan sa mga komunidad.