Hinihikayat ng Palasyo ang mga pribadong sektor na magbabalik operasyon na sa darating na Mayo a-uno sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) na mag disinfect muna ng kani kanilang workplace.
Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque dapat matiyak ang kaligtasan ng mga manggagawa kung kayat dapat talagang magkaroon ng disinfection.
Una nang iminungkahi ng Associated Labor Union-Trade Union Congress of the Philippine (ALU-TUCP) ang pagdedeklara ng Disinfection and Sanitation Day sa April 28.
Bilang preparasyon sa resumption ng business activities sa mga lugar na sakop ng GCQ.
Ayon kay ALU TUCP spokesperson Alan Tanjusay sa pamamagitan nito maiiwasan ang posibleng second wave ng COVID-19 community transmission kapag nagback to work na ang nasa 2-Milyong manggagawa na pasok ang kanilang lugar sa GCQ.