Palasyo, suportado ang Sogie Equality Bill

Napapanahon na para sa palasyo ng Malakanyang upang isabatas ang Sexual Orientation and Gender Identity and Expression (SOGIE) Equality Bill.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, para sa palasyo, dapat maprotektahan ang karapatan ninuman kabilang na ang 3rd gender.

Pero ipinauubaya na ng palasyo sa Kongreso kung isasabatas ang nasabing panukala at hindi ito panghihimasukan ng Pangulong Duterte.


Matatandaang nag-viral sa social media ang isang transgender woman matapos pagbawalan ng janitress ng isang mall sa Quezon City na pumasok at gumamit ito ng ladies comfort room.

Nabatid na dalawang dekada na ring isinusulong ng LGBTQ+ ang pagpapapasa ng nasabing anti-discrimination bill.

Facebook Comments