Palasyo, suportado ang suhestyong ipagamit sa mga senior ang Sinovac vaccine

Suportado ng Malacañang ang rekomendasyong gamitin ang Sinovac vaccine sa mga senior citizen.

Nabatid na inirekomenda lamang ang CoronaVac vaccine sa mga indibidwal na may edad 18 hanggang 59.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, aabot sa siyam na milyong senior citizens ang inaasahang makatatanggap ng bakuna sa susunod na buwan.


Dagdag pa ni Roque, maraming bansa na ang ipinapagamit ang Sinovac vaccines sa kanilang mga matatanda.

Posibleng baligtarin ng Sinovac ang naunang desisyon na ilimita lamang ang emergency use sa 18 hanggang 59 years old ang kanilang bakuna kapag nakapagpasa na sila ng karagdatang mga datos.

Una nang sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez na mayroon lamang minimal adverse effects ang CoronaVac vaccine at ito lamang ang natatanging brand na may maikling interval time sa pagitan ng dalawang doses.

Facebook Comments