Tiwala ang Malacañang na makapagpapaliwanag si Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno sa gitna ng reklamong graft na inihain laban sa kaniya.
Ang graft complaint laban kay Diokno at iba pang opisyal ng BSP na inihain sa Ombudsman ay may kinalaman sa umano’y maanomalyang multi-peso contract para sa produksyon ng National ID cards.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang graft charges ay hindi makaaapekto sa implementasyon ng National ID.
Kakayanin aniya ni Diokno na malagpasan ang dagok na ito.
Naniniwala ang Palasyo sa integridad ni Diokno na dating Budget Secretary ni Pangulong Rodrigo Duterte bago siya itinalaga sa BSP noong 2019.
Ang BSP ang mangunguna sa pag-iimprenta ng National ID na layong pag-isahin ang lahat ng government IDs at layong magbigay ng proof of identity para sa lahat ng Pilipino at resident aliens.