Palasyo tahimik pa rin sa nangyaring pagsabog sa Zamboanga City

Hindi pa rin nagbibigay ng pahayag ang Palasyo ng Malacañang sa nangyaring pagsabog sa Zamboanga City.

2 ang namatay habang 4 naman ang sugatan nang mangyari ang pagsabog sa isang Mosque sa Barangay Maharlika sa nasabing lungsod at ito ay dalawang araw matapos ang pagsabog sa Our Lady of Mt. Carmel Cathedral sa Jolo Sulu.

Ito naman ay sa harap na rin ng atas ni Pangulong Rodrigo Duterte na all out war laban sa mga kalaban ng estado sa Mindanao lalo na ang Abu Sayyaf at mga kaalyadong grupo nito.


Samantala, umapela naman si dating Special Assistance to the President Secretary Bong Go sa publiko na dapat ay maging mapagmatiyaga sa paligid.

Ito ay sa harap na rin ng isa na namang nangyaring pagsabog sa isang mosque sa Barangay Maharlika Zamboanga City na ikinamatay ng dalawang tao at ikinasugat ng 4 na iba pa.
Ayon kay Go, nakalulungkot na talagang may mga tao na ayaw magkaroon ng kapayapaan sa buong Mindanao.

Sa ngayon aniya ay dapat magkaisa ang sambayanang Pilipino para labanan ang karahasan lalo na ng terorismo upang makamit na ang matagal na inaasam na tunay at pangmatagalang kapayapaan.

Facebook Comments