Dumistansya ang Palasyo sa umano ay rape allegations laban sa kilalang kaibigan ni Pangulong Rodrigo Duterte at religious leader na si Pastor Apollo Quiboloy.
Si Quiboloy na founder leader ng Kingdom of Jesus Christ the Name Above Every Name, ay inaakusahang nanggahasa ng myembro nito sa nasabing religious group.
Ang biktima ay inaakusahan si Quiboloy at 4 na iba pa ng qualified trafficking in persons at child abuse.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo maituturing na private matter ang kinasasangkutang kaso ni Pastor Quiboloy at hindi kailanman sila nanghihimasok sa private issue.
Sinabi pa ni Panelo na hindi makaka apekto ang pagiging close o malapit nila Pastor Quiboloy at Pang Duterte sa anumang reklamong kinakaharap nito.
Nabatid na hindi ito ang unang pagkakataong nasangkot sa kontrobersiya ang pangalan ni Quiboloy, taong 2018 kasi inakusahan itong nagpapatakbo umano ng isang child sex ring na tahasan namang itinanggi ng kampo ni Quiboloy.
Naging matunog ang pangalan nito kamakailan dahil sya umano ang nagpa istop! ng lindol sa Mindanao.