Palasyo, tinaningan ang mga LGUs na hanggang bukas na lang ang pamamahagi ng cash assistance sa ilalim ng SAP

Ipinaalala ng Palasyo sa mga Local Government Officials na hanggang bukas na lamang maaaring ipamigay ang cash assistance sa mga benepisyaryo ng Social Amelioration Program para sa unang tranche.

Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, mahigpit ang tagubilin ng DILG sa mga LGUs na kailangang ipamigay na ang pondo sa mga lubos na nangangailangan.

Sa oras na hindi nila matapos ang pamamahagi ng financial assistance bukas, magpapalabas ang DILG ng show cause order at kinakailangan nila itong sagutin sa loob ng 48 oras.


Kapag nabigo ang mga local officials na depensahan ang kanilang sarili kung bakit nagkaroon ng delay sa pamamahagi ng SAP ay mahaharap ang mga ito sa kasong administratibo at kriminal.

Sinabi ni Roque na malinaw na isa itong dereliction of duty na isang uri ng graft o katiwalian.

Sa pinaka huling datos ng DSWD 98% na ng pondo para sa SAP ang kanilang naibigay sa iba’t ibang LGUs sa buong bansa.

Facebook Comments