
Pinabulaan ng Malacañang ang pahayag ni Senator Imee Marcos kaugnay sa kalusugan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Sen. Imee, matagal na siyang walang komunikasyon sa kanyang kapatid, ngunit may mga impormasyon umano siyang natanggap tungkol sa kondisyon nito kaya dapat lamang na maging bukas ang Palasyo sa kalagayan ng pangulo.
Pero ayon kay Palace Press Officer (PCO) Claire Castro, walang matibay na basehan ang alegasyon ng senador at hindi na dapat pinapansin gayong hindi naman sila nagkikita ng pangulo.
Tinawag din ni Castro na “salot” sa lipunan ang mga nagpapakalat ng fake news at hindi sila kailangan sa lipunan.
Nauna nang nilinaw ng Malacañang na walang anumang problema sa kalusugan ng pangulo.
Facebook Comments










